‘Butchoy’ nakalabas na sa bansa; ‘Carina’ papasok bukas

KAHIT tuluyan nang nakalabas ng Philippine area of responsibility ang bagyong Butchoy, muling nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa pagpasok ng isa pang bagyo sa teritoryo ng bansa.

Ayon sa PAGASA, inaasahang papasok bukas ng hapon ang panibagong bagyo na may international name na “Talim.” Sa oras na pumasok sa teritoryo ng Pinas si Talim ay tatawagin itong bagyong Carina.

Namataan ng PAGASA ang panibagong bagyo sa 800 kilometro extreme ng Hilagang Luzon kaninang umaga.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 75 kilometro kada oras at may pagbugsong umaabot sa 110 kilometro bawat oras.

Bahagyang kumikilos si Talim sa northeast papasok sa teritoryo ng bansa ngunit gigilid lamang.

Gayunman, sinabi ng PAGASA na maaaring mapalakas ni “Carina” ang Hanging Habagat na siya namang nagpapalakas ng ulan.

Pinalalakas ng bagyo ang Habagat lalo na sa Northern at Central Luzon ngunit hindi tatama sa anomang parte ng kalupaan.

Samantala, sinabi rin ng PAGASA na asahan na umano ang pagganda ng panahon sa mga susunod na araw.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply