‘Butchoy’ papalabas na; bagong bagyo binabantayan

PAPALABAS na bukas ng umaga (Hunyo 19) sa teritoryo ng bansa ang Typhoon “Butchoy”, na nagdulot ng pag-ulan sa ilang parte ng bansa kabilang ang Metro Manila, pero may mino-monitor na bagong bagyo na posibleng pumasok sa bansa ngayong linggo.

Sinabi ni Jori Loiz, weather forecaster ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA), na ang naturang bagyo ay nasa West Philippine Sea pa, na nakaaapekto sa coastal area ng South China.

ito aniya ay maaaring magdala ng mga pag-ulan sa bansa sa pagitan ng anim hanggang 12 oras.

“Pahina na ang impluwensiya ng [typhoon Butchoy], kaya nababawasan na ang pumapasok na kaulapan [pero mananatiling] maulan buong araw,” pahayag ni Loiz.

Maliban sa naturang tropical storm, sinabi ni Loiz na mino-monitor din ng PAGASA ang ilang bilang ng kaulapan sa eastern Mindanao, na maaaring madebelop para maging bagyo.

Kaugnay nito, sa patuloy na paglayo ng Butchoy, ang panahon sa ilang parte ng Luzon at Visayas ay magsisimula nang gumanda.

Sa ipinosteng update sa kanilang Twitter account dakong alas-9:00 ngayong umaga, sinabi ng PAGASA na ang lagay ng panahon sa Southern Luzon at Western Visayas ay patuloy na gaganda.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply