‘Butchoy’ super typhoon na – JTWC

IDINEKLARA nang super typhoon ang bagyong Butchoy ng Joint Typhoon Warning Center (JTWC) ng US Navy, habang patuloy na tinatahak ang North Philippine Sea.

Taglay na ng bagyo ang lakas ng hangin na umaabot ng 240 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at may pagbugsong umaabot ng 295 kph.

Patuloy na kumikilos ang bagyo sa pangkalahatang direksyon na hilaga-hilagang-kanluran sa bilis na 24 kph.

Hindi naman tatama sa kalupaan ang bagyo habang iniulat na bukas ng gabi ay inaasahang malapit na ito sa Okinawa, Japan.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply