Buwanang sweldo ng mga driver, kundoktor, kasado na

IPATUTUPAD na sa Hulyo 1, ang Department Order 18-12 ng Department of Labor and Employment (DOLE) na magkakaloob ng buwanang sahod sa mga bus driver at kundoktor sa buong bansa.

Ayon kay Labor Spokesman Nikon Fameronag, nakasaad sa kautusan na ang lahat ng bus driver at kundoktor na permanente ang status, per trip basis at maging ang mga nasa boundary system ay makatatanggap na ng kanilang suweldo.

Bukod sa arawang sweldo, tatanggap din ng night differential ang mga driver at kundoktor, maging holiday pay, overtime, retirement at 13thmonth pay at magkakaroon din sila ng dalawang araw na rest day o day off  kada linggo.

Ang magiging arawang sahod ng mga driver at kundoktor ng bus ay ibabatay sa minimum wage ng rehiyon kung saan sila nakabase.

Kasabay nito, nagbabala ang DOLE sa ng mga bus company na hindi ire-renew ang prangkisa kapag hindi sumunod sa ipinatutupad na Department Order 118-12.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply