Cagayan niyanig ng lindol

NIYANIG nang magkakasunod na lindol ang bayan ng  Santa Ana, Cagayan pasado alas-dos ng madaling araw ng Martes, Hunyo 5.

Ang unang pagyanig ay naramdaman bandang 2:14 na may magnitude 4.7. Ang sumunod ay naitala bandang 2:21 sa magnitude na 2.7, magnitude 2.5 makalipas lamang ang dalawang minuto.

Ang sentro ng lindol ay naitala 84 kilometro hilagang-silangan ng Santa Ana at may lalim na anim na kilometro na tectonic in origin.

Samantala, nakaranas rin nang magnitude 2.8 na lindol ang Zamboanga City bandang alas-5:15 ng madaling araw.

Naitala ang sentro ng lindol 84 kilometro Hilagang-Kanluran ng Zamboanga City at may lalim na isang kilometro na parehong tectonic in origin.

Wala naman naiulat na nasaktan sa mga nasabing paglindol.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply