Camille: John nalulungkot din pag nakikipag-split sa GF!

IPINAGTAPAT sa press ni Camille Prats sa presscon ng “Mars” na kapag nakikipag-break ang kapatid na si John Prats sa mga nakaraang relationship nito ay apektado ito nang husto.

Alam ni Camille ang nangyayari sa buhay ng kapatid dahil silang dalawa ang pinaka-close sa magkakapatid. Hingahan siya ni John ng mga problema nito, maging personal man ito.

Sa pahayag ni Camille sa presscon ng Mars, ang bagong talk show ng GNTV 11 (GMA News TV) na mapanonood tuwing Monday to Friday, 6pm, kung saan partner niyang co-host si Suzi Entrata-Abrera, na naghahanap na talaga ang kanyang kapatid ng karapat-dapat na babaeng pakakasalan pero hanggang ngayon daw ay bigo pa itong makakuha.

Tungkol naman sa kanyang personal na buhay bilang biyuda, na wala pang isang taon dahil sa October pa magbababang-luksa si Camille sa pagkamatay ng asawang si Anthony Linsangan, unti-unti na raw siyang nakare-recover. Tanggap na niyang wala na sa buhay nila ng kanyang anak na si Nathan ang husband na si Anthony.

“Nung nakaratay na sa ospital si Anthony, kinukondisyon ko na ang sarili ko na mawawala na siya sa amin ng anak ko. Ganyan talaga ang buhay ng tao. Pero mahirap pala pag nawala na ang isang mahal mo. Hahanap-hanapin mo. Minsang bigla na lang akong umiiyak sa isang tabi.

Sa tingin ko, dahil busy na naman ako sa dalawang shows ko, ang Luna Blanca at Mars, na kumakain ng limang araw na trabaho sa isang linggo, nakaka-move on na ako. Pag nasa set iba-iba ang nakakasalamuha mo! Lalo na sa Mars, iba-ibang topic ang tinatalakay namin. Pati sarili ko ay nakapagbibigay ng opinion na rin na base sa nangyari sa personal na buhay ko.

Ganyan ang show namin ni Su- zi, may personal touch ang hosts sa show. Ini-inject nila ang sarili nilang buhay sa bawat topic na tinatalakay namin.”

000

NATATAWANG ikinuwento sa amin sa presscon ng My Daddy Dearest ni Kyle Ocampo, ang pitong taong bata, na naki- lala sa Munting Heredera na ngayo’y imina-manage ni Direk Maryo J. delos Reyes na minsan na siyang nasabunutan ng isang matandang babae dahil daw sobrang taray niya sa Munting Heredera.

Nag-iisa lang siyang naglalakad sa mall, sumusunod siya sa kanyang mother, nang may bigla na lang nanabunot sa kanya. Sabay sabing: “Sobrang kang maldita.”

Napaiyak na lang si Kyle. Nang dumating ang kanyang ina, nakaalis na ang babae kaya di na nahabol ng ina niya.

Sa totoo lang ay hindi maldita si Kyle. Binigay lang ng pagkakataon lang na hilig ng pitong taong gulang na child actress ang pag-aartista. Naging mataray lang siya dahil sa hinihingi ng eksena gina-guide siya ni Direk Maryo J kung pa’no ang tamang paraan ng pag-arte pati na rin ang tamang pag-deliver ng lines.

Hindi naiinggit si Kyle sa mga bidang bata ngayon sa soap. Para sa kanya mahalaga lang na napapansin ang talent niya sa pag-arte, bukod pa sa kumikita siya ngayon na iniipon naman ng mother niya para sa kanyang pag-aaral. ‘Di siya ang breadwinner sa family dahil dolyares ang kinikita ng kanyang ama bilang seaman.

000

MAGAGANAP ang Protégé; The Battle for the Big Artista Break sa Cebu City ngayong Huwebes, July 7. Ang impressive roster of high-profile at formidable mentors ay sina Gina Alajar, Jolina Magdangal, Phillip Salvador, Ricky Davao and Roderick Paulate.

May nakalinyang auditions din na magaganap sa sumusunod na lugar: SM Sucat (June 10); SM Batangas (June 14); SM Pampanga (June 16) and SM Mall of Asia (June 18 and 19). Auditions will be from 10am-6pm.

Ang gustong mag-audition ay magdala lang original at photocopy ng kanilang birth certificate at two recent photos (1 close-up and 1 full body shot).

Sa mga below 18 years, kailangan ang written consent mula sa kanilang parents together with the original and photocopy ng kanilang parent’s valid ID para mag-qualify sa auditions.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply