Canteen sa public schools iinspeksyunin

INATASAN ni Chief of Staff at Media Information Bureau chief Ric de Guzman ang Manila City Health Department na inspeksyunin ang mga canteen sa mga pampublikong paaralan upang matiyak na ligtas ito para sa mga mag-aaral ngayong magbubukas na ang klase.

Ayon kay De Guzman, prayoridad nila na malinis ang pasilidad ng mga paaralan lalo na ang mga canteen kung saan nakalagak ang pagkain at lugar kung saan kumakain ang mga estudyante.

Aniya, dapat na walang lamok o langaw na nakapapasok sa lugar na posibleng pagmulan ng mga sakit.

Posible ring sumailalim sa inspection ang mga magtitinda sa paligid ng mga paaralan upang masiguro na malinis ang kanilang paninda.

Bagama’t hindi mapipigilan ang mga vendor na magtinda sa pagligid ng paaralan, dapat na may abiso ang mga ito o permiso mula sa principal o opisyal ng paaralan.

Paliwanag ni De Guzman, kaligtasan at kalusugan lamang ng mga mag-aaral ang tinututukan nila kung kaya’t kailangan ang kaunting paghihigpit.

Kasabay nito, pinayuhan na rin ni De Guzman ang mga magulang na pagbaunin na lamang ng pagkain ang kanilang anak upang matiyak na malinis at ligtas ang mga ito sa sakit.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply