CARP hindi palpak – DAR

IPINAGTANGGOL ni Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Virgilio de los Reyes ang kanilang ahensiya sa pagsasabing hindi palpak ang implementasyon ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Sa isang press statement, binigyang-diin ni Delos Reyes na bagamat malalaking hamon ang kinakaharap ng repormang pansakahan, nagawang makapagpamahagi ng DAR ng 219,069 ektarya ng lupa sa mga magsasaka sa buong bansa.

“Though this is not exemplary, this is by no means the lowest accomplishment in the history of the Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP),” pahayag pa ni Delos Reyes.

Batay sa datos na iprinisinta ng DAR, nasa 107,180 ektarya ng lupa ang naipamahagi noong 2010 habang 111,889 naman noong 2011. Hindi umano ito ang pinakamaliit na sukat ng lupaing naipamigay sa magsasaka sa ilalim ng repormang pansakahan.

Ang pinakamaliit umanong bilang ng naipamahaging lupa ay 59,495 ektarya noong 2009 na resulta nga ng hindi malinaw na direksyong tatahakin ng programa noong mga panahon na iyon sapagkat dumaan ito sa transisyon mula sa CARP patungo sa CARP extension with reforms o (CARPer). Pangalawa sa listahan ng pinakamaliit na sukat ng lupang naipamahagi ay naitala noong 2003 kung saan 97,795 ektarya lamang ang naipamigay.

Nakumpleto na rin ng DAR ang pagkuha sa 18,414 mga lupain na may kabuuang sukat na 120,286 ektarya na nagtala ng gross accomplishment rate na 60% para sa ahensiya noong nakaraang taon.

“Of this area, 8,397 hectares are exclusions from the same landholding and retention areas of landowners. Thus 111,889 hectares were actually distributed to 63,755 agrarian reform beneficiaries,” dagdag pa ni Delos Reyes.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply