Carpio atat maging chief justice

KINUMPIRMA na ngayon ni Associate Justice Antonio Carpio na tatanggapin niya ang nominasyon bilang susunod na punong mahistrado ng Korte Suprema.

Sinabi ni Carpio sa isang panayam na hindi niya umano palalagpasin ang pagkakataon na pamunuan ang hudikatura.

“I will not turn down any opportunity to lead the judiciary,” pahayag ni Carpio sa panayam.

Dahil si Carpio ay isa sa mga senior associate justice ng Korte Suprema, awtomatiko ang pagkaka-nominate sa kanya.

Sa kasalukuyan, si Carpio ang acting Chief Justice matapos mapatalsik si dating Chief Justice Renato Corona sa pamamagitan ng impeachment.

Magugunita rin na inakusahan noon ni Corona si Carpio na umano’y isa sa mga nagnanais na mapatalsik siya sa puwesto.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply