Carwash owner dedo sa boga

SA KABILA nang pagkakamaawa, isang carwash owner ang binaril sa Quezon City kaninang madaling araw.

Namatay habang ginagamot sa Manila Central University Hospital sanhi ng dalawang tama ng bala ng kalibre 45 sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si David Calimposan, 40-anyos residente ng Barangay Balonbato sa Balintawak, Q.C.

Kaswal namang naglakad patuno sa isang naghihintay na motorsiklong hindi naplakahan ang suspek na inilarawang 35-36 anyos, 5’7 at nakasuot ng T-shirt at maong pants. Tinutugis na ngayon ito.

Sa imbestigasyon ni PO1 Roldan Cornejo ng Quezon City Police Distroct Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), naganap ang insidente dakong alas-4:00 ng umaga sa tapat mismo ng carwash shop ng biktima sa Barangay Balonbato.

Bago ito, kabubukas pa lamang ng natrang carwash shop nang mapansin ng dalawang carwash boy ang suspek na nakatayo sa tapat ng kanilang pinagtatrabahuhan.

nakaupo naman sa bangko ang suspek nang biglang lumapit ang suspek at tinutukan ng baril ang biktima na narinig na nagmakaawa at nagsalita ng “hindi ako iyon.”

Pero sa kabila nito, binaril ng dalawang ulit ng suspek ang biktima bago tumakas.

Hindi naman makapaniwala ang pamilya ng biktima sa insidente dahil wala silang alam na may kaaway ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply