Casino Filipino hinoldap; 2 patay

NATODAS ang isang hindi pa nakikilalang holdaper at isang gaming assistant makaraang holdapin ang isang Casino Filipino E-games online gaming center sa Meralco Avenue sa Pasig City, bandang ala-1:00 kaninang madaling araw.

Dead on the spot ang holdaper matapos mabaril sa dibdib ng guwardiyang si Freddie Umipig habang patay din ang gaming assistant na si Jamina Yuzon matapos tamaan ng bala ang mga vital organs nito.

Sa inisyal na imbestigasyon, pinasok ng mga suspek ang gaming center at nagdeklara ng holdap.

Agad na rumesponde si Umipig at saka nagkapalitan ng putok.

Patuloy naman ang imbestigasyon sa insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply