Catanduanes signal No. 1 dahil kay ‘Ambo’

NASA signal number 1 ang lalawigan ng Catanduanes bunsod ng bagyong “Ambo.”

Huling namataan ang naturang sama ng panahon base sa satellite and surface data sa layong 260 kilometro sa hilagang silangan ng Borongan, Eastern Samar.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 55 kilometro kada oras malapit sa gitna.

Kumikilos ang bagyo ng pahilagang kanluran sa bilis na 17 kilometro bawat oras.

Inaasahang bukas ng umaga ay tinatayang nasa 330 kilometro sa hilaga hilagang silangan ng Virac, Catanduanes o
320 kilometro sa silangan Casiguran, Aurora ang sentro ni Ambo.

Habang sa Linggo naman, asahang nasa 390 kilometro na ang nasabing sama ng panahon sa silangan hilagang silangan ng Aparri, Cagayan.

Posible namang makalabas na sa Lunes o Martes si Ambo sa teritoryo ng bansa.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply