Cavite, no strike policy

IBANG klase ang labanan ng iligal na sugal sa buong lalawigan ng Cavite sa ilalim ni S/Supt. John Bulalacao.

Kung sa buong Pilipinas ay may deklarasyon si Chief PNP Nicanor Bartolome na “one strike policy” sa Cavite naman ay “No strike policy.”

Sa tuwing umiikot ang pulis na mas kilala sa tawag na “Kuya Marlon” at nagpapakilalang “bagman” ni Col. Bulalacao ay pinalalakas nito ang loob ng mga gambling lord na basta ayusin lang nila ang para kay PD ay walang tinag ang kanilang sugalan.

Dahil nakatutok umano si Col. Bulalacao sa paghuli sa “wanted persons” at pagpapanatili ng peace and order keysa pagpatigil sa iligal na sugal sa buong lalawigan.

Dapat sigurong paimbestigahan na ni Col. Bulalacao ang ginagawa nitong si Marlon!!!

$1 Bilyong pautang ng Pinas sa IMF

MAYAMAN na tayo . . . Wala nang pulubi sa ating bansa, at higit sa lahat . . . ‘yan ay dahil sa napaangat na ni PNoy ang ekonomiya ng Pilipinas!

Maliwanag, parekoy, na ito ang gustong palabasin ng administrasyong Aquino rito sa isyu ng pagpapautang natin sa International Monetary Fund ng tumataginting  na  $1  bilyon  o P42 bilyong piso.

Whew!

‘Yan ay sa kabila ng katotohanang kulang ang ating mga paaralan, bako-bako ang matutuwid (raw) na daan, nakalublob sa kahirapan na mas nakararaming Filipino at ni wala tayong mabili na mga “kwitis” pangontra sa mga gamit pandigma ng bansang Tsina!

Sa isang pamilya, siraulong maituturing ang isang ama kung habang nagdidildil sa asin ang kanyang mga anak, gula-gulanit ang mga damit, hindi nakapag-aral dahil sa kahirapan at kitang-kita na malnourished ang mga anak pero ng minsang makahipo ng malaking halaga ay inuna pang magpa-utang sa kanyang kapitbahay para lang siya’y purihin at sabihing mayaman na sila!

Ika nga, dahil maiksi ang kumot ay magtiis tayong mamaluktot . . . dahil nasa hiraman ang malaking kumot!

-o0o-

Pakinggan sa DZME-1530Khz ang aking programang “Alarma kinse trenta” (Monday-Friday, 6-7am). Para sa inyong reaction: 09098992775

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply