Pahayag sa peace negotiations sa pagitan ng GRP, MILF ilalabas – CBCP

MAG-IISYU ng pahayag ang maimpluwensiyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kaugnay sa kanilang posisyon sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Ito ang tiniyak ni CBCP President at Cebu Archbishop Jose Palma kasunod ng panawagan ni Mohagher Iqbal, chairman ng MILF peace panel sa CBCP na magbigay ng malinaw na stand sa peace process.

Ayon kay Palma, makakaasa ang MILF, maging ang pamahalaan na mag-iisyu ang CBCP ng pahayag sa naturang isyu dahil lahat naman, aniya, ay naghahangad ng kapayapaan hindi lamang sa rehiyon ng Mindanao kundi maging sa buong bansa.

Gayunman, ipinaliwanag ni Palma na kailangan munang pag-aralan ng lahat ng Obispo at masusing pagnilayan ang naturang usapin upang makapaglabas ng “communal discernment.”

Nilinaw naman ng CBCP president na hindi lamang siya ang nagpapasya sa anumang statement na nais nilang gawin dahil mayroong communal discernment ang CBCP.

“Nangingibabaw po sa amin ang communal discernment, of course, nakikiisa po tayo sa panawagan na magkaroon ng kapayapaan sa Mindanao at sa buong bansa dahil ang peace talks ay very important issue.

Makakaasa po kayo na maglalabas tayo ng statement sa bagay na yan,” pagtiyak pa ni Palma, sa panayam ng church-run Radio Veritas.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply