CBCP: OFWs mananatili sa Syria kahit may giyera

SA kabila ng kaguluhan, naniniwala ang isang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) official na hindi pa rin uuwi sa Pilipinas ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na nagtatrabaho sa Syria.

Ayon kay Father Edwin Corros, executive secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Migrant and Itinerant People, hindi niya ikakagulat kung tanggihan ng may 7,000 OFWs sa Syria ang alok na repatriation ng pamahalaan makaraang ideklara sa naturang bansa ang “state of war”.

Natitiyak umano ni Corros na maraming OFWs ang nag-aatubiling umuwi sa Pilipinas kahit pa sagot ng gobyerno ang kanilang gagastusin dahil nangangamba ang mga ito na wala naman silang makukuhang trabaho sa kanilang pag-uwi.

Ipinaliwanag ni Corros na nangyari na ito sa Libya, Lebanon at Egypt kung saan hindi umuwi ang mga OFWs sa kabila ng panganib at banta sa kanilang buhay bunsod ng giyera.

“When you are talking about those who already in Syria na almost 7,000 pa. Just like what happened in Libya, Lebanon, Egypt ng magkagulo doon.  OFWs refused to go home. Sa akin it is no longer surprising,” ani Corros.

Sa halip, aniyang, umuwi ng Pilipinas ay posibleng mas naisin pa ng mga OFW sa Syria na pumunta sa ibang bansa sa Middle East at magbaka-sakaling makahanap ng trabaho doon.

“Dahilan, kailangan nilang magtrabaho para mai-suporta sa pamilya sa Pilipinas.  Sa Pilipinas, wala silang makuhang trabaho, walang mapagkakakitaan, walang alternatibong sagot ang pamahalaan natin sa mga uuwing OFW.  Now, hindi surprising na ang mangyayari sa Syria na hindi sila uuwi kasi ang tinitingnan rin nila kung ano ang hanapbuhay na puwede i-avail pagbalik sa Pilipinas,” anang CBCP official.

Kasabay nito, tiniyak rin ng CBCP official na hindi lamang mga OFW na mula sa Syria ang handang tulungan, kundi maging ang mga refugee na tutungo sa bansa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply