Pagsasapubliko sa pagpili ng CJ oks sa CBCP

SA NGALAN ng transparency, pinaboran ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mungkahi na isapubliko ng Judicial Bar Council (JBC) ang proseso ng pagpili o nominasyon ng susunod na punong mahistrado ng Korte Suprema.

Ayon kay CBCP-Episcopal Commission on Bioethics chairman Malolos Bishop Jose Oliveros, mahalaga ito lalo pa’t ang ilang miyembro ng JBC ay mga pulitiko.

Sinabi rin ng Obispo na karapatan ng mga mamamayang Filipino na malaman ang ginagawa ng JBC sa pagpili ng mga kandidato para maging Chief Justice na isusumite kay Pangulong Benigno Simeon Aquino III.

“Well pabor ako dyan na magkaroon ng media coverage! Dapat lang na isapubliko nila ang proseso ng pagpili o ang nominasyon na gagawin ng JBC sa magiging CJ! Mahalaga ito sa ngalan ng transparency,” ayon kay Oliveros, sa panayam ng church-run Radio Veritas.

Kaugnay nito, pinayuhan ng Obispo ang Pangulong Aquino na ang pipiliing susunod na punong mahistrado ay hindi niya kaalyado upang maiwasan ang pagdududa ng taumbayan sa kredibilidad nito at hindi paghinalaan na magiging sunud-sunuran lang sa anumang naisin ng pangulo.

“Obligasyon ng JBC na ipaalam ang kanilang mga ginagawa sa taumbayan dahil nagtatrabaho sila sa gobyerno! Bagama’t ang pangulo pa rin ang mamimili dyan, sana lang wag siyang mag-appoint ng kaalyado niya upang hindi magduda ang taong bayan sa kredibilidad ng susunod na pinuno ng korte suprema at maging sunud-sunuran sa pangulo,” dagdag pa ni Oliveros.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply