CCTV ikakasa sa QC public schools

PARA mapangalagaan ang seguridad ng mahigit sa 400,000 estudyanteng naka-enroll ngayon sa public educational system, plano ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ang paglalagay ng  CCTV cameras sa mga pampubikong eskuwelahan sa lunsod.

“Surveillance cameras are needed to make up for the lack of security personnel in QC public schools,” pahayag ni Mayor Bautista sa isang forum na inorganisa ng QC government at ng QC Association of Filipino-Chinese Businessmen, Inc. QCAFCBI) sa pakikiupag-koordinasyon sa PNP anti-kidnapping group sa Amoranto Theater. Ang tunay na adhikain ng naturang forum ay para sa mas ligtas na lunsod para sa mga kabataan sa pampublikong lugar.

Kilala ang Quezon City na may pinaka-malaking school-age population sa bansa. Sa tinatayang 572,896 school-age children sa QC noong 2010, halos umabot sa ¾ o 72.5% ay naka-enroll sa pampublikong eskuwelahan ng lunsod.

Sa naturang forum, inulit ni Bautista na nananatiling seryoso ang city government sa kampanya laban sa kriminalidad, lalo na sa kaso ng human trafficking, kidnapping at iba pang related-criminal trade.

Sinabi rin ni Bautista na ikakasa ng lunsod na maging mandatory para sa mga may-ari ng QC-based establishments tulad ng banko, shopping malls, gasoline stations, supermarkets, pawnshops, money-changers, 24-hour convenience stores, schools, fast food restaurants/quick service restaurants at car dealerships, ang pagkakasa ng surveillance cameras sa kanilang sinasakupan na lugar para maiwasan ang krimen lalo na ang insidente ng robbery o hold-up.

Sinimulan na ng city’s business permits and licensing office ngayong taon ang pagpapatupad ng “no CCTV, no business permit” policy para ang mga business establishments ay makatutulong sa pagsawata ng krimen at detection measures.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply