CEAP: 50% ibaba sa enrolment sa kolehiyo dahil sa K-12

INAMIN ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) na nangangamba sila sa magiging epekto ng Kindergarten to 12 (K to 12) program ng Department of Education (DepEd) sa bilang ng kanilang mga enrolees sa tertiary level o kolehiyo.

Sinabi ni Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) president at Adamson University president Fr. Gregg Bañaga Jr., CM., sa ngayon ay pinaghahandaan nila ang epekto ng K to 12 program sa mahaba-habang panahon ng kanilang operasyon.

Ayon kay Banaga, maaari rin itong magdulot ng problemang pangpinansyal sa mga pribadong kolehiyo at unibersidad upang mapanatili ang kanilang operasyon at mapasweldo ang kanilang mga guro na posibleng maging dahilan rin umano ng pagtanggal sa trabaho sa ilang staff.

Nabatid na sa ilalim ng K to 12 system, maaari ng hindi magtungo sa kolehiyo ang mga estudyante pagkatapos ng karagdagang 2 taon sa kanilang senior high school.

May mga technical at vocational skills na ring ituturo sa kanila upang makahanap agad ng trabaho kahit na high school lamang ang kanilang natapos.

Mananatili namang opsyon ang pagkuha ng kurso sa kolehiyo, kung saan inaasahan umano ang mas mataas na pagbaba ng mga enrollees sa mga pribadong paaralan kaysa mga state universities dahil na rin sa laki ng diprensya ng tuition fee.

Sa pagtaya ni Bañaga inaasahang nasa 50 porsyento ang ibababa ng college enrollment sa mga pribadong Catholic schools.

“All of us are threatened because for years, there will be less students to enroll in college because of the K to 12 program,” pahayag ni Bañaga.

Sa kabila naman nito, tiniyak naman ng CEAP na may 1,345 member-schools sa buong bansa na suportado nila ang K to 12 dahil sa buting idudulot nito sa bansa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply