Cebu, Manila magdudwelo sa baseball

(Rizal Memorial Baseball Stadium)
7:30 a.m. – Batangas vs. Taguig
10:30 a.m. – Manila vs. Cebu
1:30 p.m. – Dumaguete vs. Alabang

MAGSASAGUPAAN sa baseball sa Rizal Memorial Stadium muli ngayon na katatampukan ng triple header sa  duwelo ng Cebu at Manila sa pagtatapos ng elimination round ng  Baseball Philippines Series 9.

Nagbalik ang liga pagkaraan ng pitong linggong paglalaro sa Clark Freeport Zone sa Pampanga kung saan inaasahang matatapos ang torneo.

Inaasahan din ang mainit na bakbakan sa pagbalik ng aksiyon sa Manila lalo na sa apat na team na nakapasok sa semifinal round.

Ang top seeded Cebu at No. 2 Dumaguete ay nakasisiguro na ng twice-to-beat advantage na asam umusad sa semis na mula sa panalo sa pagsabak ngayon, ang Sharks vs Dolphins ng 10:30 ng umaga at ang Uni-bikers kontra Alabang Tigers ng ala- 1:30 ng hapon.

Sa opening game, magtatagisan ang cellar dwellers Batangas at Taguig ng alas-7:30 ng umaga.

Sa final four kasama ng Cebu at Dumaguete ang dalawa pang semifinalist na Manila na pumangatlo at ang Alabang sa nakuhang huling  spot.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply