CGMA welcome sa SONA ni PNoy – House Speaker

BUKAS para kay dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na dumalo sa ikatlong State-of-the-Nation Address(SONA) ni Pangulong Noynoy Aquino sa Hulyo 23.

Binigyang diin ni House Speaker Feliciano Belmonte na welcome sa liderato ng Kamara ang prisensya ni CGMA sa SONA sakaling mabigyan ito ng permiso ng Korte.

Si GMA ay kasalukuyang naka-hospital arrest sa Veteran Memorial Medical Center (VMMC) dahil sa kaso nitong electoral sabotage at walang inirekomendang piyansa.

Ang tinututulan lamang ni Belmonte ay ang lumabas pa ng bansa si GMA upang magpagamot dahil maaari namang dito na lamang magpa-operang muli.

Magagaling naman, aniya, ang mga doktor dito at lahat na rin ng klase ng operasyon ay maaari ng gawin dito sa bansa.

Idinagdag pa ng House speaker na kung talagang magiging napakahirap ng sitwasyon ni GMA, pwede namang i-import ang doktor mula sa abroad para operahan ang dating pangulo dito sa bansa.

Bukod dito, ito na rin umano ang pinakamahusay na formula na naaayon sa interes ng lahat.

Samantala, umaasa si House Minority Leader Danilo Suarez na papayagan din ng korte si CGMA na makapag-piyansa si dating Comelec Chairman Benjamin Abalos.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply