Chavez vs Lee ngayon sa Texas

SA kabila ng paglikha ng sarili niyang pangalan, si Chavez jr., ay nananatili pa ring may tatak na “Son of the Legend” na sinasabi sa mensahe na hindi pa rin niya napapantayan ang status ng kanyang maalamat na Ama.

Undefeated si Chavez Jr sa 46 laban na may 31 knockouts at sasalang sa ikatlong pagdepensa ng kanyang titulo kontra Irishman Andy Lee sa El Paso, Texas ngayon.

Unang napagwagian ni Chávez Jr ang WBC title nang umiskor ng majority 12-round decision laban kay Sebastian Zbik noong Hunyo 4, 2011 nang umiskor ng impresibong 5th round TKO laban kay Peter Mandredo Jr., noong Nobyembre 19, 2011 at umiskor ng solidong panalo laban sa tigasing si Marco Antonio Rubio sa Alamadome sa San Antonio, Texas noong Pebrero 4, 2012 sa parehong card kung saan napagwagian ni Nonito “The Filipino Flash” Donaire ang WBO super bantamweight title kontra dating champion Wilfredo Vazquez jr., ng Puerto Rico.

Si Lee, 28-anyos na isang kaliwete ay may record na 28-1, 20 knockouts, ranked no. 3 ng WBC, No. 1 ng WBO at no. 2 ng WBA.

Nagsasanay siya sa pamosong Kronk gym sa Detroit kontra fighters na sina Adonis Stevenson, Edwin Rodriguez at Brian Vera. Ang kanyang tanging pagkatalo ay kay Vera na tumalo sa kanya sa 7th round noong Marso 2008.

Ang 2004 Olympian na si Lee ay medyo mataas kay Chavez at kayang dumikit at dumistansiya sa kalaban at ang southpaw style ang magbibigay problema kay Chavez Jr.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply