Chef pinandirihan ng komedyana

NAGING guest daw kamakailan ang kilalang komedyana na may-asawa na at mahilig mag-uwi ng give-away mula sa mga show na pinupuntahan nito ng isang cooking show. Pero nagreklamo raw ito pagkatapos ng kanyang guesting. Ito ngayon ang tinext sa amin ng taong malapit sa komedyana na pinagsabihan ng kanyang pandidiri sa nasabing show.

Hindi raw ma-take ng huli na tikman ang niluto ng host dahil kitang-kita nito kung paanong talsikan ng saliva ang pagkain mula sa bumubulang bibig ng dakdakerong chef. Hahaha!

Kung hindi lang daw on-cam ang paglafang niya sa ‘menu for the day with matching saliva’ ay hindi raw sana titikman ng hitad dahil talagang maduwal-duwal daw ito sa eksenang nakita niya kung saan parang nag-spray ng insekto at peste sa palayan ang vivig ni manong sa sobrang dami ng nagtalsikang laywa. Hikhihik!

Infairness, nakatutuwang panoorin ang chef na itetch dahil talaga namang magaling siyang magluto, at bibong-bibo siyang magdala ng show, huh!

Iyon nga lamang, kung kami ang magiging guest don, magre-request kami ng maskara para pantakip sa aming mukha.
Mahirap na, baka maligo kami nang walang banlawan. Hehehe!

***

Jodi at Papa Chen tatapatan ang Eat Bulaga!

BAGONG programa bagong tambalan ang ihahain ng ABS-CBN ngayong Hulyo sa pagbubukas ng pinakabagong Kapamilya teleseryeng pinamagatang “Be Careful With My Heart” na mapapanood sa mapangahas nitong timeslot sa Prime-Tanghali.

Tampok sa upcoming drama series ang kauna-unahang pagtatambal nina Jodi Sta. Maria at Richard ‘Papa Chen’ Yap na bibigyang buhay ang mga karakter nina Maya at Mr. Lim na mula sa unang pagtatagpo ay mala-aso’t pusa na ang samahan.

Paano magiging susi ang mayamang biyudong si Mr. Lim sa ultimate dream ng probinsyanang si Maya na maging flight stewardess? Bukod kina Jodi at Richard, tampok rin sa “Be Careful With My Heart” sina Jerome Perez, Janella Salvador, at Mutya Orquia.

Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Jeffrey Jeturian at Mervyn Brondial. Abangan ngayong Hulyo ang pagsisimula ng pinakabagong afternoon viewing habit na tiyak mamahalin ng mga Pinoy, ang “Be Careful With My Heart,” araw-araw, sa Prime-Tanghali ng ABS-CBN.

Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply