Chief Justice De Lima or Senator Leila

NI-NOMINATE na ng Volunteers Against Crime and Corruption si Justice Secretary Leila de Lima bilang susunod na Chief Justice ng Korte Suprema.

Very much qualified si Ma’m Leila. Kahanga-hanga ang academic credentials ni ma’m at mahusay ang kanyang track record sa pamahalaan. May sariling isipan at matibay na paninindigan pero hindi nangangahulugan na siya lang ang may ganitong katangian sa lahat ng nominado.

Pagbinusisi mo ang credentials ng mga nominado bilang CJ,  halos pantay lang ang talino, academic excellence, track record in government nilang lahat. Napakahirap pumili sa mga piling-piling tao sa listahan ng mga nominado.

Bagay kaya kay Ma’m Leila ang maging Punong Mahistrado? Masyadong marami kaya ang “nasagasaan” niya dahil sa kanyang tungkulin bilang Justice Secretary?

Pumalag na nga si Sen. Ping Lacson. Mangamba kaya ang pamilyang Webb at mabuhay ulit ang kaso ng Vizconde Massacre? Ano kaya ang masasabi ni Mayor Fred Lim ng Maynila at iba pang pinakakasuhan dahil sa Luneta Hostage taking?

Ano kaya ang pananaw ng Associate Justices ng Korte Suprema na ang magiging “Chief” nila ay ang pangunahing sumuway ng TRO order nila? Si Mayor Ben Abalos na pinakasuhan ni Ma’m Leila dahil sa diumano’y pananakot sa prosecution ang may hawak ng kaso laban kay dating Comelec Chairman Ben Abalos?

Pero bakit importante ba ang issues na ito sa nomination ni Ma’m Leila? Maaaring hindi. Pero sa mga ibang nominado tulad ni BIR Chief Kim Henares, may mga “built in” bang kaaway ang mga ito?

Don’t get me wrong readers na against tayo sa nomination sa dati kong law professor sa San Beda. Hindi po. Proud nga ako kay Ma’m Leila kung siya ang magiging Punong Mahistrado. Ang point ay siya ba ang BEST CHOICE? Depende yan sa pananaw ng Judicial and Bar Council (JBC) at ni Pang. Noynoy.

Si Mam Leila ay sobrang tapang. Walang kinikilingan, walang pinapaboran. Pero mabait at hindi ka maiilang lapitan. Kung dati ay mga kapwa abogado at estudyante lang niya ang kilala siya, ngayon ay isa na siyang national figure. Ayokong sabihin na hindi siya dapat maging CJ dahil sa kwalipikado naman si Ma’m Leila.
Pero sa tingin ko ay mas kailangan siya sa Kagawaran ng Hustisya kung saan natutulungan niya ang mga tao na sumisigaw ng Hustisya. O kaya naman ay isang mambabatas katulad ng Senadora.

‘Yun lang naman ang pananaw ko. CJ De Lima o Senator Leila? O dapat Justice Secretary Leila de Lima pa rin? Pero mam, di natin masabi, baka balang araw, President Leila De Lima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply