China hindi nilayasan ang Scarborough

MARIING ipinahayag ng Chinese government na pansamatala lamang silang sumilong dahil sa pananalasa ng bagyo.

Iginiit ng China na mananatili pa rin ang kanilang mga barko sa pinag-aagawang Scarborough Shoal bagama’t mayroonng derektiba ang mga kababayang mangingisda sa pinag-aagawang teritoryo.

Ayon kay Chinese Foreign Ministry spokesman Hong Lei, hindi “pullout” ang nangyari sa kanilang mga barko kung hindi “temporary shelter” lamang para matiyak ang kaligtasan ng mga Chinese fishermen na posibleng masalanta ng sama ng panahon.

Kaugnay nito, hinimok din ni Hong ang panig ng gobyerno ng Pilipinas na iwasan ang paglalabas ng mga pahayag na lalong magpapagulo sa sitwasyon sa West Philippine Sea.

Samantala, nilinaw naman ng Malacañang na hindi pa rin binibitawan ng gobyerno ang karapatan sa pag-angkin ng teritoryo sa Scarborough Shoal.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply