China nilindol ng magnitude 6.3, 17 sugatan

SUGATAN ang 17 katao nang yanigin ng magnitude 6.3 na lindol ang Xinjiang region sa China kaninang umaga.

Base sa ulat ng state news agency, karamihan umano sa mga biktima ay turista lamang habang ang ilan sa mga residente sa naturang rehiyon ay nagising sa lakas ng pag-uga at napatakbo na lamang sa lansangan.

Ayon pa sa report, may mga gusali sa liblib na bahagi ng western China ang gumuho habang naputol din ang supply ng kuryente.

Naramdaman ang lakas ng pagyanig sa Urumqi, kabisera ng Xinjiang region.

Habang isinusulat ang balitang ito ay inaalam pa kung may nasawi sa naturang pagyanig.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply