Chinatown sa Quezon City

EVERY great city has a Chinatown.” Kahit sa capital ng Estados Unidos, ang Washington DC ay mayroong Chinatown. Dito sa Pilipinas ay kilalang kilala ang lugar na Ongpin sa Maynila at binansagan na Manila’s Chinatown. Biro naman ng isang kaibigan ko, “Sa China na lang yata walang Chinatown.”

Sa kamara ay pinasa na sa ikalawang pagbasa ang panukalang magdedeklara sa Chinese New Year bilang isang special non-working holiday sa bansa. Kabilang sa mga nagsulong nito sa kamara ay sila Rep. Rufus Rodriguez, Rep. Jun Edgardo Angara at Rep. Emil Ong. Layon ng panukala na mapalakas ang ugnayan ng mga Filipino at Chinese. Nais din na kilalanin ang tulong ng mga Chinese sa ekonomiya ng bansa at naibahagi sa Kulturang Pilipino.

“As a nation where more than twenty five percent of the population has the Chinese bloodline, the passage of the measure is the most convenient way to thank the Chinese for their contribution to our history” sabi ng mga nagpanukala.

Maganda ang hangarin ng mga nambabatas pero marami pa rin paraan na kilalanin natin ang mga kontribusyon ng mga “Filipino-Chinese” maliban sa pagdeklara ng holiday ang Chinese New Year. Kung ganoon din lang ay ideklara na rin natin ang isang holiday para sa mga Pilipinong may dugong Kastila, Hapon, Bombay, Koreano at iba pa, dahil lahat ng mga ito ay may kontribusyon din sa kultura at ekonomiya ng bansang Pilipino.

Sa Quezon City ay isinulong ko noon sa Konseho ang pagkakaroon ng “economic business zone” sa mga lugar na malawak ang kalakalan ng mga Chinese. Ang kahabaan ng Banawe Street at karatig pook ang na-identify ko dahil sa marami doon na mga FIL-CHI at Business Tycoon Fil-Chi ang nakatira at may mga negosyo. Na endorso ito ang Banawe AutoParts Associations sa pamumuno ni President Leoncio Tan at ng Quezon City Filipino Chinese Businessmen. May FILIPINO-CHINESE FRIENDSHIP ARK design na itatayo doon sa may entranda ng Banawe street. Sa tulong ng mga Pilipinong Intsik ng Q.C. ay lilinisin at gagandahan, hindi lamang ang kahabaan ng Banawe, kung hindi i-aangat din ang imahe nito sa publiko at hindi kilalanin na “car theft capital” kung saan maraming linalakong nakaw na autoparts at mapalinlang at abusadong mga gumagawa ng sasakyan mismo sa sidewalk.

Layon din na suportahan ng panukala ko ang mga Chinese restaurants doon na dinadayo ng marami tuwing tanghalian, merienda at hapunan. Magiging “little Hong Kong” ito na magagara at maliliwanag na “neon signs” ang gagamitin at mga magara at Fil-Chinese design na mga streetlights. Makakatulong ang maliwanag na daan sa “peace and order situation” doon at magdedeploy ng mga pulis.

Magkakaroon din ng night market doon upang mabigyan ng lugar ang mga nakapaligid na mga vendos mula sa Tatalon, Sto. Domingo at iba pang barangay.

Hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na matutupad ang mungkahi kong ito sa maaaring tawagin CHINATOWN OF Q.C. At magiging fiesta opisyal man ang Chinese New Year o hindi, ang mahalaga ay kinilala natin ang mga Chinese na mas may puso para sa mga Pilipino.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply