Chinese boats umalis na sa Scarborough

IPINADALA ng China ang kanilang barko sa Scarborough Shoal o Panatag Island upang sunduin ang mga mangingisdang Tsino at kanilang mga bangka dahil sa masungit na panahon.

Ayon kay China Rescue and Salvage of the Ministry of Transport, ipinadala nila ang Nanhaijiu-115 para tulungan ang kanilang mga kababayan na makaalis nang ligtas sa lugar.

“Due to the inclement weather and strong tide in the Huangyan Island waters, in order to help Chinese fishermen and fishing boats pull out safely for shelter, Nanhaijiu-115 vessel has set out to the area to provide necessary assistance.”

Unang napaulat noong nakaraang Sabado ay pinaaalis ng pamahalaan ng Pilipinas  ang mga barko ng Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) dahil sa pananalasa ng Bagyong Butchoy.

Ito’y kasunod ng babala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na makararanas ng malakas na pag-ulan ang kanlurang bahagi ng bansa, kabilang ang Masinloc, Zambales sa sumasakop sa Scarborough o Panatag Shoal.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply