Chinese national natagpuang patay sa Maynila

HINIHINALANG nagpakamatay ang isang Chinese national matapos madiskubreng wala nang buhay at nasa tabi nito ang iba’t ibang tableta ng mga gamot sa kanyang ng tinutuluyang condominium sa Ermita, Maynila, kahapon.

Kinilala ang biktima na si Tian Zhuang, 60, tubong Fujian China at pansamantalang nanunuluyan sa Robinsons Tower 3 sa Ermita.

Batay sa ulat na isinumite ni Det. Ramir Dimagiba kay P/Sr.Insp. Joselito de Ocampo, hepe ng Manila Police District-Crime Against Persons Investigation Unit, dakong 5:12 ng hapon, nang matagpuan ang biktima sa loob ng Room 20-R ng naturang Condo sa nasabing lugar.

Isang Cindy Medina ang nakadiskubre sa bangkay ng biktima nang gamitan niya umano ito ng duplicate key makaraang hindi sagutin ng banyaga ang malalakas na katok at tawag niya sa pinto.

Sa pagsisiyasat ni Det. Dimagiba, walang nawala sa personal na gamit ng biktima ngunit natagpuan naman ang iba’t ibang uri ng Chinese na mga gamot.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply