Posisyon sa JBC handang bitiwan ni Chiz

HANDA umanong magbitiw si Senador Chiz Escudero bilang miyembro ng Judicial and Bar Council kung gugustuhin ng Korte Suprema.

Ginawa ni Escudero ang pahayag matapos kuwestyunin ni dating solicitor general Atty. Frank Chavez ang pag-upo nilang dalawa ni Iloilo Rep. Niel Tupas bilang miyembro ng JBC.

Ayon kay Escudero, ipinauubaya na lang niya sa Supreme Court ang pagdedesisyon kung sino sa kanila ni Tupas ang uupo bilang ex-officio member ng konseho.

Gayunman, patuloy umano niyang gagampanan ang tungkulin sa JBC hanggang walang resolusyon ang SC sa nasabing isyu dahil nakaatang ito sa kanya bilang chairman ng Senate committee on justice and human rights.

Ikinatuwiran pa ni Escudero na inabutan na niya ang patakarang ito kaya pinayuhan nito si Atty.Chavez na pormal na kuwestyunin ito sa Korte Suprema.

Nauna rito, kinuwestyon ni Atty. Chavez na labag sa Konstitusyon ang pag-upo nina Chiz at Tupaz nang sabay sa JBC dahil ayon sa Section 8, Article 8 ng Saligang Batas, isa lang ang dapat maging representative ng Kongreso sa nasabing lupon.

Nagsimula ang dalawang kinatawan ng Kongreso sa JBC sa panahon pa ni Dating Chief Justice Hilario Davide noong 2001.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply