Chiz inungusan ulit si Loren sa Pulse Asia survey

MULING pumayagpag ang kandidatura ni Sen. Francis “Chiz” Escudero sa 2013 senatorial elections matapos maungusan si Sen. Loren Legarda na dating nangunguna sa pinakahuling survey ng Pulse Asia.

Sa ginanap na survey ng Pulse Asia nitong Mayo 20-26, 2012, nakakuha si Escudero ng  65.1%, tumasas ng  12.4% mula sa dating 52.7% rating; Legarda, dating number one, na may 63.6%, tumaas lamang ng 5.1% mula sa dating 58.5%.

Umabot naman sa ikatlo hanggang ika-limang puwesto sina Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano with 50.2%, Cagayan Rep. Rep. Juan Ponce “Jackie” Enrile Jr., 49.1% at dating senador, at incumbent Transportation and Communications Secretary Manuel “Mar” Roxas III, 47.5%.

Sumunod sa kanila sina Senador Gregorio “Gringo” Honasan, 39.5%; Sen. Aquilino “Koko” Pimentel Jr., 38.9%; San Juan Rep. Joseph Victor Estrada, 36.3%; Sen. Antonio Trillanes IV, 34.8%; at resigned Sen. Juan Miguel “Migz” Zubiri, 30.4%.

Sinabi ng Pulse Asia na umabot sa ika-6 hanggang ika-9 na ranggo sina Honasan, Pimentel at Ejercito habang ika-6 hanggang 11 naman si Trillanes at ika-6 hanggang 13 naman si Zubiri.

Kumompleto sa “Magic 15” ng survey sina dating Sen. Richard “Dick” Gordon, 29.6%; Aurora Rep. Edgardo “Sonny” Angara, 28.9%; Ma. Lourdes Nancy Binay, anak ni Vice President Jejomar Binay, 27.5%; former Las Pinas Rep. Cynthia Villar, 25.1% at former Sen. Jamby Madrigal, 23.4%.

Ilan pa sa personalidad na nailista ng ilang partido bilang manok nila sa 2012 senatorial election ang nanakuha ng ika-13 hanggang 21st na ranggo sa survey na sina Customs Commissioner Ruffy Biazon (23.2%), Jose de Venecia III (23.2%), Vilma Santos-Recto (23%), Mark Lapid (22.5%), Imee Marcos (22.4%)

Kabilang dito ang anak ni Da King, Fernando Poe Jr., na si Grace Poe (20.7%),  Bacoor Rep., Lani Mercado-Revilla, (18.2%), former Sen. Ernesto Maceda (18%), Risa Hontiveros-Baraquel (15.7%) and Zambales Rep. Mitos Magsaysay (14.4%).

Ang tipo ng survey ay multiple response na hanggang 12 pangalan ang puwedeng ilagay sa ilalim ng katanungan na: Kung ang nasabing halalan sa 2013 ay isasagawa ngayon, sinu-sino sa mga sumusunod na personalidad ang inyong iboboto kung sakaling sila ay kakandidato  sa pagka-senador?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply