Chiz: Live JBC public interview maganda ngunit malabo

MAGANDA ang layunin ng isinusulong na live coverage sa public interview ng Judicial and Bar Council para sa pagpili ng bagong punong mahistrado ngunit malabo itong maisagawa dahil ilang probisyon ng JBC rules ang maaaring malabag.

Ayon kay Sen. Francis “Chiz” Escudero, miyembro ng JBC, mayroong mga mahahalagang bagay na kailangang ikonsidera sa anumang pagbabago, katulad ng publication sa oras na baguhin ang panuntunan sa public interview.

Bukod dito, anang senador, tiyak na hahaba ang proseso at posibleng kulangin ang nakalaang panahon o 90 araw sa pagpili ng papalit kay dating Chief Justice Renato Corona.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply