Chiz umaming nakipagkita kay Heart

INAMIN ni Sen. Francis “Chiz” Escudero na nakipagkita siya sa aktres na si Heart Evangelista kamakailan.

Naitanong ng ilang reporter na nakasama ni Escudero sa isang restoran sa Quezon City kahapon (Hunyo 8) kung may katotohanan ang pakikipag-date ng mambabatas kay Evangelista.

“Nagkita lang kami,” ayon kay Escudero.

Hindi na nagbigay ng iba pang detalye ang senador sa pakikipag-kita nito kay Heart, ngunit natuklasan naman na pangalawa na ito simula nang ipakilala ang aktres kay Escudero nang magtungo si Heart sa Senado upang suportahan ang Reproductive Health Bill na isinisulong ni Sen. Miriam Defensor-Santiago.

Nauna nang nagsalita ang aktres sa isang kolumnista na dalawang beses na silang nagkikita ni Escudero.

Nilinaw naman ni Evangelista na hindi siya “romantically involved” kay Escudero kundi nag-uusap lamang sila sa kung anu-anong bagay sa kanilang dinner date.

Walang pahayag na ipinalabas si Evangelista hinggil dito.

Matatandaan na inamin ni Escudero sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) na hiwalay na sila ng asawang si Christine Elizabeth ”Tintin” Flores kung saan may dalawang anak sila.

Hiwalay na rin si Heart kay sa aktor at modelong si Daniel Matsunaga.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply