Chopper scam ibinalik sa Ombudsman

PUMAYAG na ang 2nd Division ng Sandiganbayan na maibalik sa tanggapan ng Ombudsman ang kasong katiwalian na kinasasangkutan ni dating First Gentleman Mike Arroyo kaugnay sa helicopter scam sa Philippine National Police (PNP)

Sa utos sa open court ni Justice Teresita Diaz Baldos ng second division, pinaboran ang motion for leave of court na inihain ng dating unang ginoo.

Kasabay nito, pinayagan din ng korte na maibalik sa Ombudsman ang kaso laban sa isa pang akusado sa nasabing iskam na si Spo4 Ma Linda Padojinog.

Gayunman, kapwa binigyan ng pagkakataon ng Ombudsman ang dalawa na makapaghain ng motion for reconsideration hanggang bukas.

Humingi naman ng leave of court sina Arroyo at Padojinog sa Sandiganbayan dahil hindi raw sila nabigyan ng tsansa ng Ombudsman na makapaghain ng motion for reconsideration samantalang sa ilalim ng rules ay mayroon silang limang araw para gawin ito matapos ipalabas ng anti graft body ang resolusyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply