Christian music, entrance song ni Manny sa Hunyo 10

HINDI na ang katulad ng kantang “Eye of the Tiger” ang magiging entrance song para sa laban ni WBO welterweight champion Manny Pacquiao sa Hunyo 10 sa MGM Grand Garden Arena, Las Vegas, Nevada.

Ani Pacquiao, nais niyang isama ang Bible at Christian music sa kanyang entrance song para maiba naman.

Maging ang concert na gagawin ni Manny pagkatapos ng laban ay naka-line up din ang mga Christian songs.

“We will sing Christian songs,” ani Pacquiao.

Kakanta sa laban ni Pacquiao ay ang 12 miyembro ng Eastern Police District (EPD) choir o Servant of God Police Choir.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply