Coach para sa special athletes sasanayin – DepEd

MAGSASAGAWA ang Department of Education (DepEd) ng puspusang pagsasanay para sa mga coaches para agapayan nang husto ang mga differently-abled athletes.

Ayon kay DepEd Secretary Bro. Armin Luistro, kailangan ang mga coaches na tututok sa kakayahan ng special athletes para mahasa ng mabuti ang kanilang talento.

“There is a need to establish a pool of coaches, trainors, technical officials and classifiers who will help differently-abled athletes in all levels of competition,” ani Luistro.

Katuwang ng DepEd ang Philippine Sports Association for the Differently-Abled, National Paralympic Committee of the Philippines (PHILSPADA-NPC Philippines).

“Part of inclusive education is giving our differenty-abled athletes the kind of training and other support services they need to optimize their potential as a total person,”dagdag pa ng kalihim.

Sinimulan ang nasabing training sa University of Mindanao sa Davao City noong Hunyo 22 hanggang 24, habang sa Abellana Sports Complex sa Cebu City  ay sa Hulyo 4 hanggang 8  para sa Regions 6, 7 at 8, sa Narcisio Ramos Sports and Civic Center sa Lingayen, Pangasinan  sa Setyembre 21 hanggang 23 para sa coaches at athletes mula Regions 1, 2, 3, 4-A, 4-B, Region 5, National Capital Region at Cordillera Administrative Region.

Ang mga differently-abled athletes ay kasama sa Palarong Pambansa ngunit hindi maibibilang ang medalya para sa komputasyon ng overall championship.athletes.

Ayon kay DepEd Secretary Bro. Armin Luistro, kailangan ang mga coaches na tututok sa kakayahan ng special athletes para mahasa ng mabuti ang kanilang talento.

“There is a need to establish a pool of coaches, trainors, technical officials and classifiers who will help differently-abled athletes in all levels of competition,” ani Luistro.

Katuwang ng DepEd ang Philippine Sports Association for the Differently-Abled, National Paralympic Committee of the Philippines (PHILSPADA-NPC Philippines).

“Part of inclusive education is giving our differenty-abled athletes the kind of training and other support services they need to optimize their potential as a total person,”dagdag pa ng kalihim.

Sinimulan ang nasabing training sa University of Mindanao sa Davao City noong Hunyo 22 hanggang 24, habang sa Abellana Sports Complex sa Cebu City  ay sa Hulyo 4 hanggan 8  para sa Regions 6, 7 at 8, sa Narcisio Ramos Sports and Civic Center sa Lingayen, Pangasinan  sa Setyembre 21 hanggang 23 para sa coaches at athletes mula Regions 1, 2, 3, 4-A, 4-B, Region 5, National Capital Region at Cordillera Administrative Region.

Ang mga differently-abled athletes ay kasama sa Palarong Pambansa ngunit hindi maibibilang ang medalya para sa komputasyon ng overall championship.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply