Stude dinampot sa pekeng credit cards

LAGUNA – Arestado ang isang working student matapos gumamit ng tampered credit card sa pagbabayad sa kanyang mga pinamili sa isang grocery store kahapon ng umaga sa El Sol Subd., Barangay Dos, Cabuyao City.

Kinilala ni P/Supt. Armel Gongona, hepe ng Cabuyao City PNP ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong estafa at paglabag sa RA 8484-Access Devices Regulation Act of 1998 sa pangalang Regina, 26, residente ng NBBS, Navotas City.

Sa ulat sa tanggapan ni P/SSupt. Gilbert Cruz, Laguna Police Provincial director, dakong alas- 7:45 ng gabi nang mamili ang suspek ng halagang P25,000 grocery items na tinangka niyang bayaran gamit ang Standard Chartered platinum credit card.

Ngunit nang iberipika ng kahera ang credit card, lumitaw na peke ito kaya dinala sa presinto ang dalaga.

Habang iniimbestigahan, nakumpiska sa suspek ang tatlong credit cards na kinabibilangan ng HSBC master card, Citibank visa card at Standard Chartered credit card.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply