Comedy King Dolphy, kritikal pa rin

DAHIL sa komplikasyon, nasa kritikal na kondisyon at patuloy na inoobserbahan sa Makati Medical Center si Comedy King Dolphy.

Ayon sa kanyang anak na si Eric Quizon na siya na ring tumatayong spokesperson ng pamilya, kailangan ng kanyang ama ang panalangin dahilang kanyang ama ay mayroong Chronic Obstructive Pulmonary Disease o COPD na dahilan ng iba’t ibang komplikasyon ng Comedy King.

Kinumpirma din ni Eric na humihina ang kidney ng kanyang ama kaya naman hindi na napi-filter ang mga gamot na pumapasok sa katawan nito na dahilan ng pagkakaroon ng toxins sa ibang parte ng katawan.

Ipinagmalaki naman ni Eric na fighter ang kanyang ama dahil nalagpasan na rin nito ang sampung pneumonia at tumutugon pa rin ito sa kanilang pakikipag-usap sa pamamagitan ng kilay, mata at pagpisil sa kanilang kamay.

Maliban sa dasal, humingi rin ng pang-unawa sa publiko si Eric dahil kailangan nila ng privacy sa ganitong sitwasyon ng kanilang ama.

Sa ngayon, patuloy na binabantayan si Dolphy sa intensive care unit ng Makati Medical Center para sa medical development nito.

Kagabi magdamag na nagbantay ang buong pamilya sa Hari ng Komedya.

Samantala, ilang kalapit at mga nakatrabahong artista ni Dolphy ang dumalaw sa kanya kagabi gaya nina Maricel Soriano (anak-anakan ni Dolphy), Smokey Manaloto (nakasama sa Home Along Da Riles), Vhong Navarro, Janice de Belen at Ai-Ai delas Alas na pawang mugto ang mga mata nang lumabas sa ospital.

Patuloy naman ang mga tagahanga at tagasuporta, maging ang ilang celebrities gaya nila Vice Ganda, Jhong Hilario, Anne Curtis at Raymond Gutierrez ang nananawagan ng dasal para sa Hari ng Komedya.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply