Comedy King Dolphy may bilin sa anak

SINABI ngayon ng anak ni Comedy King Dolphy na si Ronnie Quizon na may bilin sa kanya/ kanila ang kanyang ama noong malakas-lakas at nakapagsasalita pa ito.

Ani Ronnie, sinabi sa kanya ng ama na huwag siyang (Dolphy) lalagyan ng tubo sa kanyang lalamunan sa oras na mas lumala pa ang lagay nito.
Ayaw daw ng kanyang ama na magmukhang kawawa dahil naranasan ni Tito Dolphy ang ganitong sitwasyon nang magkasakit ang kanyang ama (lolo ni Ronnie).

Ukol naman sa kalagayan ng Hari ng Komedya, ani Ronnie, nananatili ito sa kritikal na kondisyon kahit pa stable ang kalagayan nito ngayon.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply