Dolphy nananatili sa ICU; pamilya nanawagan ng panalangin

ISINUGOD muli si Comedy King Dolphy sa ospital noong Sabado at kasalukuyang nasa intensive care unit (ICU).

Ayon sa ulat sa radyo, inatake ng pneumonia ang mahusay na komedyante na naging dahilan para humina ang immune system nito.

Sa pahayag ng pamilya nito, maayos na ang vital signs nito ngunit inoobserbahan pa ito upang mapabilis ang recovery.

Una nang naiulat na labas-masok na sa ospital ang Comedy King.

Nagpasalamat naman ang pamilya sa mga nanalangin at humiling pa ng patuloy na panalangin para sa paggaling ni Dolphy.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply