Comelec bubuo ng komite na tutugon sa mga katanugnan sa 2013 automated elections

POSIBLENG umanong bumuo ng isang special committee ang Commission on Elections (Comelec) na siyang sasagot sa mga tanong hinggil sa sistemang gagamitin sa midterm elections sa susunod na taon.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr., pinag-aaralan nila ang pagbuo ng komite kasunod na rin nang isinagawa nilang dayalogo kasama na ang iba’t ibang election stakeholders kaugnay ng May 13, 2013 Automated National and Local Elections.

Sa nasabing pagpupulong, umapela si Brillantes nang pagkakaisa at kooperasyon sa lahat ng election stakeholders.

“We want to assure the public, most especially the Information Technology (IT) community, that we are sincere in working for a more improved Comelec. All of us want a clean, honest and credible automated elections, why should we not work together? Kailangan namin ng tulong ninyo,” ayon kay Brillantes.

Nabatid na kabilang sa mga dumalo sa nasabing dayalogo ay ang mga election watchdogs tulad ng: Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV); National Movement for Free Elections (NAMFREL); Center for People Empowerment and Governance (CENPEG);  KONTRADAYA; Workers’ Electoral Watch (We-Watch) at Automated Election System Watch (AES Watch), at iba pa.

Ilan naman sa mga isyu na inilatag ng mga kalahok ay ang mga naging isyu rin noong 2010 elections tulad ng pagpapabuti sa automated election system sa bansa, pagkonsidera sa pagbabalik sa lahat ng voter verification features sa Precinct Count Optical Scan (PCOS) machines na idineklarang “disabled” noong 2010 elections at aktibong pakikipag-ugnayan sa IT community.

Tiniyak naman ni Briilantes na magkakaroon pa ng mga katulad na dayalogo kasama ang mga nasa IT community at election watchdogs sa mga darating na araw bilang bahagi pa rin ng preparasyon sa nalalapit na halalan.

Anang Comelec chief, nais nilang magkaroon ng “total transparency” sa lahat ng kanilang ginagawa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply