Comelec desidido sa palabunutan sa talaan ng partylist

NANININDIGAN ang Commission on Elections (Comelec) sa desisyon nitong hindi na alphabetical ang order ng mga partylist sa balota para sa 2013 elections.

Ito’y kasunod nang pagtutol ng ilang partylist representatives sa ipinalabas na Resolution No. 9467 ng poll body na nagsasaad na ira-raffle ang mga pangalan ng partylist groups upang tukuyin ang order of listing sa official ballots para sa susunod na eleksyon.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr., haharapin nila sa hukuman ang sinomang kukuwestiyon sa kanilang resolusyon.

Nauna rito, tinutulan nina partylist House members Neri Javier Colmenares (Bayan-Muna), Sherwin Tugna (Cibac), Carol Jane Lopez (Yacap) at Emmeline Aglipay (Diwa) ang plano ng Comelec dahil nakalilito umano ito, at nakapagpapahaba ng voting time.

Giit nila, hindi rin convenient para sa mga matatanda at may vision-impaired na botante kung hindi alphabetical ang listahan.

Gayunman, sinabi ni Brillantes na walang basehan ang mga alegasyon ng mga partyist representative at sinabing nais lamang nilang ayusin ang sistema kaya’t ipinalabas ang naturang resolusyon.

Kumpiyansa rin naman ang Comelec chief na hindi mahihirapan sa bagong sistema ang mga botante dahil ang ikakampanya naman ng mga party-list group ay ang numero sa balota na naka-assign sa kanila tulad na lamang ng ginawa nila noong May 2010 automated elections.

Nabatid na sa mga nakalipas na halalan, alphabetical ang listahan sa balota ng pangalan ng mga party-list groups na tumatakbo sa eleksiyon, kaya’t pumipili ang mga kandidato ng pangalang nagsisimula sa letrang A o numero 1 upang mauna sa listahan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply