Comelec inihahanda na ang voters registration sa ARMM

NAKAHANDA na ang Commission on Elections (Comelec) sa isasagawang voters registration sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) sa darating na Hulyo.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, seryoso ang Comelec na linisin ang listahan ng mga botante sa ARMM.

Maliban dito, sinabi ni Brillantes na nagtalaga na rin sila ng mga tauhan at nakipagtulungan sa Philippine National Police (PNP) upang matiyak na magiging maayos at mapayapa ang voters registration.

Hiniling ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jesse Robredo sa Comelec na magsagawa ng panibagong voters’ registration sa ARMM bilang preparasyon sa gagawing halalan sa susunod na taon.

Sa sulat ni Robredo kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, sinabi nito na ang bagong round na voters’ registration sa ARMM ay makatutulong para pasimulan ang reporma sa lugar.

Hiniling din ng kalihim sa Comelec na pag-aralan ang trabaho ng mga election officers sa ARMM, lalo na ang mga sangkot sa pang-aabuso sa tungkulin noong nakaraang election.

Ang ARMM election na orihinal na itinakda para sa August noong nakaraang taon ay ipinagpaliban sa May 2013 matapos na lagdaan ni President Aquino ang Republic Act 10153, o ang batas na nagpapaliban
sa halalan sa rehiyon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply