Comelec sa mga taga ARMM: Magparehistro

PINAALALAHANAN ng Commission on Elections (Comelec) ang mga residente ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) na magparehistro sa itinakdang general registration sa rehiyon.

Ito’y kasunod na rin ng joint resolution ng mataas at mababang kapulungan ng Kongreso na nagpapawalang bisa sa book of voters ng lahat ng munisipalidad at siyudad sa ARMM.

Nangangahulugan ito na wala kahit sino sa ARMM ang maituturing na rehistradong botante, maliban kung magpaparehistrong muli ang mga ito.

Nakasaad sa Joint Resolution No. 3 na ang voters list sa ARMM ay kailangang ipawalang-bisa dahil sa dami ng mga ilegal at kaduda-dudang registered voter sa rehiyon na kailangang alisin.

Base sa datos ng Comelec, mayroong 1,778,817 registered voters sa limang lalawigan ng ARMM na kinabibilangan ng Basilan, Sulu, Tawi-Tawi, Maguindanao at Lanao del Sur.

Nabatid na ang general registration of voters sa ARMM ay gagawin sa Hulyo 9 hanggang 18, 2012.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply