Company driver tigok sa riding in tandem

INIIMBESTIGAHAN ngayon ng Manila Police District-Homicide Section ang pagkamatay ng isang 27 anyos na company driver ng isang supermarket matapos itong pagbabarilin ng riding in tandem kaninang umaga sa Sampaloc, Maynila.

Hindi na umabot ng buhay sa United Doctors Medical Center ang biktimang si Loel Navarro, binata, company driver ng Highmart supermarket at residente ng 13 Bayaya St. SFDM, Quezon City sanhi ng tama ng bala sa sikmura.

Inaalam naman ang pagkakalilanlan sa dalawang suspect na riding in tandem na tumakas matapos ang pamamaril.

Ayon kay SPO2  Ronald Gallo ng Manila Police District (MPD) – Homicide section, dakong 8:28 ng umaga ng naganap ang insidente sa harapan ng Highmart Supermarket sa 2179 G. Tuazon St. Sampaloc, Manila.

Nabatid na nakatayo ang biktima sa harap ng nasabing establisyimento nang huminto ang isang motorsiklo sakay ang dalawang di nakilalang lalaki walang sabi-sabing binaril ng dalawang beses ang biktima.

Nagawa namang makatakbo pa ang biktima sa loob ng receiving area ng supermarket bagamat may tama na ito ng bala subalit sinundan pa rin siya ng mga suspek at muling pinaputukan kung saan tuluyang bumagsak.

Matapos ang pamamaril ay tumakas ang mga suspek sakay ang nag-aabang nilang motorsiklo sa direksiyon ng G. Tuazon St.

Isinumite naman ng pamumuan ng supermarket ang closed circuit television para sa malinaw na pagkakakilanlan sa mga suspek.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply