Compensation bill para sa biktima ng Martial Law, usad-pagong sa Senado

BINATIKOS ng mga biktima ng Batas Militar ang usad-pagong na pagpapasa ng Senado sa batas para sa hustisya at kompensasyon sa mga biktima ng Martial Law.

“Na-impeached na si Chief Justice Corona, ang ibang biktima ng Martial law nag-“rest in peace” na, hindi pa rin naipapasa ang panukalang batas,” pahayag ni Trinidad Herrera, beterano ng Martial Law at board member ng SELDA.  “Bakit hindi hinarap ang Marcos Victims Compensation Bill? ” tanong niya.

Ang Senate Bill 2615, o mas kilala sa tawag na Marcos Victims Compensation Bill, ay naglalayong kilalanin at bigyan ng kompensasyon ang may 9,539 biktima ng Martial Law na nagsampa ng makasaysayang class suit sa Hawaii laban sa dating Pangulong Ferdinand Marcos at pati na iba pang biktima ngunit hindi kasama sa kaso.

Nitong nakaraan ay dinagsa ng mga text messages ng mga miyembro ng SELDA si Senator Chiz Escudero sa kanyang “Say Chiz” hotline 2976.

Ipinanawagan nilang ipasa na sa Senado ang Indemnification Bill. Sumagot naman ang tanggapan ng ni Escudero at sinabing kinukumpleto na lang ang pirma ng mga senador para maisalang ang panukalang batas.

“Sa kasalukuyan, ang mga pirma para sa pag-apruba ng committee report ng Marcos Compensation Bill sa First reading ay kinukumpleto na upang maisalang ang naturang bill sa second at third reading sa ilalim ng Committee on Justice and Human Rights na pinamumunuan ni Sen. Francis “Chiz” Escudero. Pagkatapos ng masusing pag-aaral na ginagawa ng committee at sa tulong ng lahat ng senador ay maaari na itong maipasa sa Senado,” ayon sa text message na pinadala mula sa “Say Chiz” hotline 2976.

Gayunpaman, ayon sa SELDA, dapat naipasa na rin agad ang batas kung itinuturing itong prayoridad. Lalo pa’t ipinagmamalaki ng Senado na may 71 bills silang naipasa sa panahon ng impeachment. Kabilang dito ang inamyendahang Anti-Money Laundering Act at ang napipintong pagraratipika sa Visiting Forces Agreement sa bansang Australia. “Klaro ang mga prayoridad ng Presidente at ng Senado at hindi kasama dyan ang pagpapasa ng Indemnification bill ngayon,” ani Herrera.

Naiinip na ang mga biktima ng Martial Law sa napakabagal na usad ng panukalang batas. Ayaw na nilang maudlot na naman ang pagkakataong maisabatas ito bago abutin ng susunod na eleksyon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply