Congressional district binibili ng ex-cong

SINO ba itong dating partylist representative na bumibili umano sa mga miyembro ng Kongreso at lokal na pamahalaan para sa pagkakaroon niya ng sariling distrito sa Kabisayaan?

Isa umanong bilyonaryo ang magaling na ex-kongresman at nakursunadahan nito ang pagtatayo ng sariling congressional district sa lalawigan ng Aklan.

Sa Kamara, ang balita natin ay naokey na ang House Bill 3860.

Ngayon ay inuurot naman niya ang mga senador para aprubahan na ang nasabing panukala.

SALAPI ANG PINAGAGANA

Umusad umano nang mabilis ang panukala sa kahilingan ng maraming lokal na opisyal sa nasasakupan ng binubuong distrito pero, ayon sa ating Uzi, kagagawan ito ng bilyonaryong politiko.

Mukhang napagagana niya nang husto ang kanyang bulto-bultong salapi upang magkaroon siya ng sariling teritoryo sa pulitika.

Kung ano ang interes niya sa lugar ay malinaw sa mga nahahaplusan niyang mga politiko at tagasunod niya ngayon.

‘Yun bang === mga lokal na pamahalaan hanggang sa mga kongresman.

BALIMBING NA POLITIKO

Noong panahon ni Aling Gloria, nagsusumiksik siya sa partido nito.

Ngayong bumaligtad ang mundo sa pulitika at si Pangulong Noynoy na ang Boss, agad tumuwad at bumaligtad ang linsiyak.

At alam ba ninyo ang inihahayag nito, pabulong man o hayagan?

Magli-Liberal Party na rin siya umano.

Sasama na rin siya sa partido ni Boss.

Sa pagbabalimbing niya, gusto niyang makasiguro sa poder.

Ano-ano ba ang mga pakinabang niya sa pagiging malapit lagi sa pinakamalaking nuno sa punso?

Tiyak namang hindi lang kapangyarihan ang hangad nito.

Meron pang iba.

KAYA ANG MGA SENADOR

Ngayon nga ay panay ang papansin niya sa mga senador upang aprubahan ng mga ito ang House Bill 3860.

Hindi natin alam kung ano ang magiging aksyon ng mga senador na alam nating hindi nasisilaw sa salapi sa kanilang paggawa ng mga desisyon.

Hindi rin natin alam kung hanggang saan hahantong ang panukala.

Sakaling maaprubahan ng Kongreso ang panukalang bagong congressional district, agad din kayang pipirmahan ito bilang batas ng mga taga-Palasyo?

Sana naman ay alang-alang sa serbisyo publiko na ginagabayan ng tuwid na daan.

Sana naman ganyan ang mangyari, mga Bro.

POLITICAL DYNASTY

Kung hindi serbisyo publiko at pansariling interes ang iiral sa paglikha ng sariling distrito, baka magkakaroon na naman tayo ng isang lugar na paghaharian ng mga baliw o ganid kaya sa kapangyarihan.

Diyan sa baliw at ganid sa kapangyarihan nag-uugat o ipinanganganak ang tinatawag na political dynasty.

Diyan sa political dynasty, pabalik-balik sa puwesto ang mga malalakas na pamilya.

Nagpapalitan lang sila sa oras na tapos na ang kanilang mga maximum na termino gaya ng siyam na taon.

Ang ipinapalit nila sa kanilang mga sarili ay ang kanilang mga asawa o anak.

‘Yung iba, ikinakalat ang kanilang mga asawa at anak sa iba’t ibang munisipyo ng distrito upang sila ang maging mayor.

Dahil sa lakas ng kanilang political power sa dinastiya, lumalagpas ang mga ito sa nilikha nilang mga teritoryo.

Hanggang sa magiging gobernador sila at maari pa nga silang aakyat sa Senado.

KAYAMANAN SA DYNASTY

Kapag nakopo ng isang pamilya ang isang political territory, lahat ng hanapbuhay sa lugar, ligal at iligal ay kanila na ring hawak.

Mumo na lamang ang matitira sa iba.

Mula sa mga bundok, kapatagan at karagatan, walang makikinabang pangunahin kundi sila.

Lahat ng kayamanan sa lugar ay sa kanila.

Lahat ng negosyo ay kontrolado nila.

Makikita ninyo na ang mga titulo sa lupa, karapatan sa pangingisda sa karagatan at lisensya at permit sa mga negosyo ay sa kanila rin.

Ganyan ang political dynasty.

HABAMBUHAY

Dahil nakokopo ng mga political dynasty ang lahat ng kapangyarihan at kayamanan sa kanilang mga teritoryo, tiyak na makapagtatagal sila sa puwesto.

‘Yun bang === tumanda at namatay na ang mga nagpasimuno ng dinastiya, naririyan pa rin sila sa pamamagitan ng kanilang mga anak at apo.

Paano nila hindi mamamantine ang kanilang kapangyarihan kung nakokopo nga nila ang lahat ng kayamanan sa kanilang mga teritoryo?

Sa simpleng salita, mga Bro, nakaiipon at nagkakamal sila ng mga malalaking halaga ng salapi na panggastos nila sa pagmantine ng kapangyarihan habambuhay.

MAY KASO SI EX-CONG

Oo nga pala, ang pagkakaalam natin, may kaso itong si ex-partylist congressman sa House Electoral Tribunal noon.

‘Yun bang === nagkaroon ng electoral protest at kino-contest ang pag-upo niya sa Kamara.

Ano na ba ang nangyari sa kasong ito?

Batay sa kasong ito, medyo makikiramdam na kayo, mga Bro.

Bakit tila nanahimik o bakit walang nangalandakan sa Kamara kung ano ang nangyari sa kaso?

Tahimik ang mga miyembro ng HRET sa kasong ito. Bakit?

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply