Conviction kay Corona ipinababasura

HINILING nina Atty. Allan Paguia at Atty. Homobono Adaza sa Supreme Court (SC) na magsagawa ng oral argument para talakayin ang umano’y kwestyunableng conviction ng impeachment court kay dating Chief Justice Renato Corona.

Sa limang pahinang urgent motion, hiniling ng dalawang abogado sa hukuman na magpalabas ng writ of preliminary injunction laban sa nasabing desisyon ng impeachment court at desisyunan ang petisyon bago pa mapaso ang 60-day period para sa pagkuwestyon sa nasabing desisyon.

Iginiit ng mga ito na lumabag sa isinasaad sa Section 3 Article 11 at Section 1 ng Article 3 ng Saligang Batas ang Senado nang hindi nito iberipika kung dumaan sa tamang proseso ang inihaing verified complaint.

Kapwa nanindigan ang mga ito na ang Kataas-taasang hukuman pa rin ang may final word sa batas at hindi ang impeachment tribunal.

Dagdag pa ng mga ito, sa simula pa lang ay dapat nag-inhibit na sa pagiging senator-judges sina Senate President Juan Ponce Enrile at Sen. Edgardo Angara dahil ang anak ng mga itong sina Rep. Jack Enrile at Rep. Sonny Angara ay isa sa 188 na lumagda sa impeachment, maging si Sen. Jinggoy Estrada dahil ang kapatid nitong si Rep. JV Ejercito ay isa rin sa mga signatory.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply