Cooking show mabaho at amoy laway ang mga gamit sa kusina

ALIVE na alive kung mag-host sa kanyang cooking show ang isang chef na may katigasan ang dela, este, ang dila sa pagsasalita ng wikang pambansa. Hahaha! Oks lang naman ‘yun. Ang importante, magaling siyang magdala ng kanyang programa at tunay na eksperto pagdating sa kusina.

Kamakailan ay gumetsing ang programa ng mga representative ng iba’t ibang school sa Maynila para maging guest nila. ‘Yung iba nga ay kapwa nya chef din na nagtuturo sa eskwelahan.

As usual, bumula agad ang vivig ng host sa kadadakdak. Kung nasa harapan ka raw niya habang nagsasalita ay baka naligo ka nang walang sabunan. Alam n’yo na. Hahaha!

Eh, nagkataong si maam na visitor ay maselan pagdating sa kitchen. Kailangan malinis ang kapaligiran dahil pagkain nga naman ang ginagawa nila.

Napuna agad ng huli na kaiba raw ang amoy ng mismong host. Hakhakhak! Ah, siguro dahil sa sandamakmak na putaheng niluluto nito kaya nagdikitan ito sa kanyang katawan, ayun, nagkaletse-letse ang amoy nito. Kaya carry na lang ng bisita ang amoy ng boy na host.

Ang hindi raw ma-take ni madam na bisita ay nung ipatikim na sa kanya ang isang espesyal na luto.

Kamuntik na raw siyang maduwal dahil sa amoy laway na kutsara. Mabuti na lamang daw at yung pangalawang guest ay makapal ang sikmura kaya nakain nito ang kinutsarang lafang at nakapag-smile pa ng buong ningning sa camera.

Nung painumin naman daw sila ng juice or something ay again, take two, kamuntik ulit siyang masuka dahil yung baso ay nagmamantika at masama rin ang amoy.

Kung wala lang daw sa harap ng camera ay baka lumayas agad ang naturang guest. Aniya, kung gaano raw pala kadugyot tingnan ang host, ganito rin kasama at kasangsang ang amoy ng kanyang mga gamit.

***

Rock of Ages Pinoy version

ATLANTIS Productions continues it’s exciting 2012 seasons with the critically acclaimed five-time Tony Award nominated Broadway musical, Rock of Ages, which opens in Manila on June 15th. Rock of Ages is a hilarious, feel-good love story told thru such 80s hit anthems like I Want To Know What Love Is, Don’t Stop Believin,’ We built This City, Hit Me With Your Best Shot, and Every Rose Has Its Thorn.

The complete cast includes Mig Ayesa as Stacee Jaxx, Nyoy Volante as Drew, Vina Morales as Sherrie, Jett Pangan as Lonny, Aiza Seguerra as Regina, Jinky Llamanzares as Justice Charlier, Jamie Wilson as Dennis Dupree, Calvin Millado as Hertz and Bibo Reyes as Franz. Apple Chiu, Japs Treopaldo, Mikkie Bradshaw, Berl William Angeles and Altaire Alonso join them in the ensemble.

Rock of Ages runs from June 15 to July 8, 2012 at the Carlos P. Romulo Theater, RCBC Plaza, Makati City. Call Atlantis Productions at 892-7078 for tickets.

***

Gurang na judge sa boxing dapat nang sipain

TAMA ang obserbasyon ni Richard Schaefer, CEO of Golden Boy Promotions (GBP). Hindi na-mafia ang resulta ng panalo ni Timothy Bradley kay Manny Pacquiao. Ang dalawang judges mismo ang may problema kaya naging kontrobersyal ito. Palpak ang judging ng dalawa dahil sa katandaan nila. May ulyanin na at mahina na rin ang mga mata.

According to Schaefer, some of the officials judging the fight were already close to 80 years old.

“I think it’s just judges that are maybe at the point where they should retire. I think that’s what it is, and unfortunately we are seeing recently more of these decisions and most of the time you have judges which are close to their eighties or in their eighties and maybe they shouldn’t judge anymore,” sabi ni Schaefer sa Boxing Scene report.

“Ultimately, the athletic commissions have to educate and find judges to bring the next generation of judges along and [make sure] they are better equipped to handle their responsibilities,” dagdag pa nito.

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maaari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply