Corona dapat habulin sa tax evasion– Enrile

DAPAT lang na habulin si dating Chief Justice Renato Corona sa kasong tax evasion sa Bureau of Internal Revenue pero ‘di na kailangang ikulong.

Ito ang naging pahayag ni Senate President Juan Ponce Enrile matapos tiyakin ni BIR Commissioner Kim Henares na tuloy ang imbestigasyon ng ahensya kung nagbayad ba ng tamang buwis si Corona sa kanyang mga ari-arian.

“Dapat lang kung mayroong hindi nabayarang tax. Okay lang ‘yun pero kung ikukulong mo, hindi na,” pahayag pa ni Enrile.

Kaugnay nito, hiningi na ng BIR ang paliwanag ni Corona at ng buong pamilya hinggil sa mga ari-arian nila na hindi tugma sa idineklarang kita sa ITR.

Sa isang panayam, sinabi ni Henares na may pagkakataon na ang pamilyang Corona na sagutin ang kanilang tanong dahil naintindihan nila na hindi nakapagsumite ng written explanation ang mga ito sa kainitan ng impeachment trial sa Senado.

Ayon kay Henares, ginagamit na nila ngayon ang nilagdaang waiver ni Corona para busisiin kung tama ang binayarang buwis sa kinita at naipundar nilang properties.

Bukod sa dating Chief Justice, iniimbestigahan na rin ng BIR ang tax declaration nina Mrs. Cristina Corona, ang anak na si Carla Corona at manugang na si Constantino Castillo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply