Corona impeachment trial ipalalabas muli sa PTV4

MULING i-eere ng Malakanyang ang makasaysayang Corona impeachment trial sa PTV4, ayon sa Malakanyang.

Binigyang diin ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Sonny Coloma na tungkulin ng People’s Television o PTV na palalimin at palawakin ang pag-unawa ng mga mamamayan sa naturang makasaysayang paglilitis.

“Higit sa lahat, malaya ang ating mga mamamayang panoorin ang muling pagpapalabas ng paglilitis o manood na lang ng iba,” ani Coloma.

Ang paglilitis, aniya, ng Senado sa Punong Mahistrado ay nagturo sa sambayanang Filipino ng maraming aral ukol sa mga proseso ng demokrasya at kung paano nagiging daan ang mga prosesong ito tungo sa makabuluhang pagbabago, tulad ng  reporma sa sistemang  pang-katarungan.

Sa katunayan ay kumpiyansa ang Malakanyang sa pagsasabing maibabalik na ang tiwala ng publiko sa mga miyembro ng hudikaturang sangay ng pamahalaan.

Ito’y matapos na mahatulan ng ‘guilty’ ng impeachment court sa pamamagitan ng 20-3 votes kay Corona.

Ang 20 senator-judges na bumoto ng “guilty” ay sina Senador Edgardo Angara,  magkapatid na  Senador  Alan Peter at Pia Cayetano, Senador Franklin Drilon, Senador Francis Escudero, Senador Jinggoy Estrada, Senador Teofisto Guingona III, Senador Gregorio Honasan, Senador Panfilo Lacson, Senador Loren Legarda, Senator Serge Osmena,  Senador Francis “Kiko” Pangilinan, Senador  Aquilino Pimentel III, Senador  Ralph  Recto, Senador Ramon Revilla Jr., Senador  Vicente Sotto III, Senador  Antonio  Trillanes  IV at Senador Manuel Villar  at Senate President Juan Ponce Enrile.

Habang ang tatlong senator-judges na bumoto ng ‘not guilty’ay sina Senador Joker Arroyo, Senador Miriam Defensor-Santiago, Senador Ferdinand Marcos Jr.

Sa pagkakaalis ni Corona bilang Chief Justice, hinala ng marami na si Supreme Court  Senior Associate Justice Antonio Carpio.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply